Wednesday, October 10, 2018

Gusto Kong Tumaba.

Please help me. Lahat na ginawa ko para magkalaman pero wala pa rin.

Tiyak, binuksan mo ito dahil problema mo ito kaya sana ay matulungan kita.

Ayon sa mga pinagtanungan ko, ito ang kanilang hobbies kaya sila lumalaki.

1. Kumakain sila sa tamang oras. In the morning (eat like a king), noon break (eat like a prince), and evening (eat like a beggar). Then midnight snack.

2. Magmiryenda ng kwek-kwek. Haha natawa ako dito pero totoo ito. Hindi sya pumapayat dahil sa itlog.

3. Bilisan ang pagkain, kapag babagal bagal kang kumain, na digest na ng bituka mo yung una mong subo, hindi mo pa rin nasusubo yung pangalawa. Kaya hindi ka nataba.

4. Kumain ng mayaman sa protein. Exercise then sundan ng pagkain ng chicken breast or one whole chicken kung mayaman ka or kaya ng budget.

5. Tigilan ang bisyo kung meron man, like yosi, alak, drugs at kung anu-ano pa. Hindi ka lalaki / tataba nyan.

6. Wag magpuyat. Kaya sa mga merong kinababaliwan dyan tulad ng video games, TV series na pinagpupuyatan, wag na kayong magtaka kung bakit hindi kayo tumataba.

7. Unahin ang pagkain. Sa mga subsob sa trabaho at takdang aralin dyan. Hindi matatapos ang trabaho, kaya kapag oras ng kain, kumain na po. Hindi na papasok ang inaaral mo, kung walang laman ang tiyan. Kaya po kumain na kapag oras ng pagkain.

8. No junk foods. Nakaka sira ng appetite. Kaya kapag oras na ng tanghalian or hapunan, wala ng gana dahil ang kinain sa miryenda ay junk foods.

9. Uminom ng vitamins. Pa consult ka po sa inyong doctor para maresetahan.

10. Kumain ng beef. Mabigat sa tiyan at nakaka build ng muscles.

11. Ang susi sa lahat, disiplina sa sarili. Kung wala kang disiplina sa sarili, hindi mo po makukuha ang gusto mo kahit ano pa man iyan.

Uulitin ko lang po, nakalap ko po ito sa mga kakilala ko. Gusto ko pong i share para po makatulong sa iba at ang iba rin po ay makapagbigay pa ng mga suggestions.

Hanggang dito na lang po. Any violent reaction? Comments? Questions? Suggestions? Just comment na lang po. Thank you.